Wednesday, October 8, 2008

si ako, si pedro..


Dati rati laging tatlo ang bida sa mga kwentong pinoy ng mga bata na maririnig mo sa kanilang mga kwentong kalye. Sino bang di makakaalala sa mga sikat na mga pangalang - Juan, Pedro at Maria na para bang mga artista sa pelikula na pilit nating ginagawan ng mga kakaibang kwento. Kwento na para lang magpa impress at pangitiin si crush at magpapansin syempre sa bolakbol na tropa.

O wag mag deny dyan dahil kung di mo ginamit ang mga pangalang yan noong naglalaro kapa sa daan ng walang salawal at hahabul-habulin ng nanay mo ng pamalo hanggang nag hayskul ka eh ibang usapan na yun, baka wala kang friends?!..hehehe..

Nahalata ko lang na ngayong nasa generation "Y" na tayo eh di na sila masyadong sikat noh? Siguro dahil mas busy na ngayon ang mga kabataang pag-asa ng bayan sa cellphone, psp, facebook at friendster (ah meron nako nito!) :) Sayang walang ganyang hi-tets na laruan at networking noong kabataan ko, natutuhan ko lang tuloy eh habulan (kaya ngayon mabilis tumakbo pag inabutan ng trobol) at taguan (kaya ngayon magaling magtago sa girlfriend at pinagkakautangang 5-6) hehehe

Hmmm..si Juan nalang nga ang medyo sikat ngayon ah na lagi nating naririnig sa radyo at telebisyon at nababasa sa mga tabloid at broadsheet. Pero bakit lagi nalang pala si Juan ang nasa eksena? Si Juan na walang malay! Si Juan na walang alam! (Pis tayo Juan ah, para sa karir 'to). Paano naman ako, si Pedro? :)

Hello po! muntik ko ng makalimutan, introduce ko muna sarili ko, blog ko pala 'to ehehe..

Ako po pala si Pedro, Peter sa sosyal na buhay. isang blogistang pinoy na eeksena at makikipag palitan kuru-kuro sa mundo ng blog! hayaan nyo po sana akong umeksena ng kaunti sa inyong mga blog at malaya din po kayong magbigay ng mga kuru-kuro at ideya dito sa aking munting pahina..

salamat sa pagbisita!

2 komento:

RJ

Parang nabitin ako sa pagpapakilala mo ng sarili mo Pedro. Style mo ba yun, unti-unti mo nalang ipakilala ang sarili mo sa pamamagitan ng mga susunod mong posts?

Balik ako rito...

PEDRO <- - -

hehehe.. makikilala nyo po ako ng tuluyan sa mga susunud ko pang mga post.. salamat sa pagdalaw! :)

Blogger template 'Blackorwhite' by Ourblogtemplates.com 2008