sigaw lang!
"BREAK! ano ba yan 4 na oras nakong di nakakapag break ah!" hay naku, karaniwan nang eksena ito sa aming trabaho. sa sobrang kulang ng empleyado at dami ng mga tawag na natatanggap kada shift eh di na kami halos makapag break sa tamang oras. ewan ko ba kung anong problema ng mga ewan dun at di nila maayus-ayos ang mga simpling gusot. sabi ko nga sa mga kasama ko sa trabaho, "robot nga nawawalan ng baterya, tao pa kaya na di mo pakakainin at papagdaldalin mo ng tuloy-tuloy na 3 hanggang 4 na oras? hello?!""sup call! TL sup call?.." aruy! isa pa yan sa isinisigaw na akala mo may mag aamok bigla dahil walang gustong kumuha ng sup call nila. syempre gustong gusto naman naming mga agents dahil sa kapipiranggut na minutong ito eh malaya kaming makakahinga man lang pagkatapos mura-murahin at sigaw-sigawan..
"anak ng..!" ayan na ang tunay na kulay ng call center agent na maiinit ang ulo! hehehe.. isa lang yan sa sandamakmak na murang kinikimkim sa dibdib na di maisigaw-sigaw habang minumura-mura din at sinisigaw-sigawan ng isang dayuhan. sa madaling salita shock absorber ba.. pinagkaiba lang eh to the ultimate level na absorbtion ang mangyayari sayo na dadaigin mo pa ang bulak sa pag absorb ng mga sigaw at frustrations ng ibang tao..

ala eh, ganyan talaga ang buhay, pag hirap na kanyan-kanyang sigaw nalang. hay! hirap ng buhay ano?! ala lang, emote lang ako, baka sakaling umepek! hehehe.. eto pa nga pala ang ibang uri ng sigaw..
"darna!" ah yan ang sigaw ni angel locsin pag magpapalit na ng katauhan.
"oh my!" sigaw ng sosyal na nagulat na kabaligtaran ng "hay naku!" na sigaw ng mahirap.
o ito tsong? "O.." sigaw ng taong pinigil-pigil ang sarap; "Ooh" ah ito ang sigaw ng taong di na mapigil-pigil ang sarap; "Oooohhh" at yan naman ang sigaw ng taong sarap na sarap na di papipigil. at ang pang huli "nyahahaha!" tawang pasigaw ng mga taong green minded! hehehe

