Sunday, October 12, 2008

da fiesta adventure of pedro

medyo nabusy kahapon mga tsong at di ako agad nakapag post ng entry ko dito. naki fiesta kasi dun kina insan (syempre kainan yun makakatanggi ba ko?!) at ginawa akong ninong dun sa panganay nya, ayun nadale na naman si ninoy (patay!) ehehe.. hirap tumanggi sa ganun ah, sabi daw kasi mamalasin ka sa buhay eh ayoko naman nun eh nagkanda malas-malas na nga buhay ko dadagdagan ko pa, ano na mangyayari sa akin diba? baka kahit bilhin ko pa lahat ng chinese lucky charms na makikita sa china town eh di na tatalab (kung me melamine siguro pwedi pa. toinks!). pa fung shui na kayo ako, palagay nyo mga tsong? :)


anyway, enough na muna sa ka-bitteran sa buhay. nag enjoy naman ako dun sa fiesta isa ng rason yung maraming pagkain ("takaw kasi!"). wag nyo nako tanungin kung ano ang mga ulam kasi di ko alam ang mga pangalan maliban syempre sa menudo na di pweding umabsent sa fiesta (nakapunta ka naba sa fiesta na walang menudo?), kumbaga sa kanta para syang all time favorite at most requested! at kung magtatanong kayo ng picture, uy, kakahiya kaya yun, nakilamon na nga ako makiki picture pa?! wag ganun! ehehe

nakaka enjoy talaga ang fiesta no, di nga obyus sakin kasi sumakit panga ko sa kakakain pati narin mga paa sa sobrang kakalakad. alam nyo ba yung feeling na ang sakit na ng paa mo eh lakad ka parin ng lakad kasi ang daming tao na nag chichikahan at naglalakad din sa daan na parang walang kapaguran. di ko kasi nadala yung kapa ko eh, edi sana nakalipad nalang ako (me ganun talaga?!). tingan nyo man yung picture ko, diba may kapa ako?! (adik!) big lols! seriously, sa sobrang siksikan sa daan, siguro kung may pakpak lang yung iba kahit sa ere merong tao (mulawin ba 'to?!). langya di ko ma imagine yun ah, kasi sigurado lang madami ding mga batang maninirador nun!

syempre pagka may fiesta, di pweding mawala yung mga pang masang contest! nanood nga kami sa plaza kasama ang tropa ng dance contest at nag enjoy kami ah. nakakatawa kasi, everytime na isisigaw ng bading na host na "HAPPY FIESTA" palakpakan ang mga tao! para kaming de bateryang robot na pag sinabi ng me-ari este may ari, (ay pangit parin pakinggan pag may ari!) na happy fiesta ay papalakpak ka hehehe. syempre kasama na kami dun sa mga nakikipalakpak! di naman namin teritoryo yun baka pag di ka pumalakpak itutumba ka! hehehe..

aabsent ba naman ang mga perya sa fiesta?! di noh! para din yang menudo na always present, at laging andyan, in good times or in bad times..hehehe. syempre nagpunta din kami sa perya tsong at hanep ang dami ding tao! (parang di sanay sa tao no! twink! twink!) di ko na ikukwento masyado ang adventure ko sa perya ah, kasi hanggang labas lang kami! hahaha! di na kami nakapasok kasi nga daming tao (uy! palusot wala lang pera!) di nga, madami kasing people parang may convention nga eh, dinaig pa ang ang el shaddai sa dami (joke! baka magalit si brother, me balak pa namang tumakbo sa 2010 election). nakiusyoso nalang kami dun sa mga sugalang perya na beto-beto at nakitaya-taya narin (ayun na! lumabas na ang tunay na kulay no! sugarol!)

hay..kakapagod na adventure pero masaya. kung tatanungin ako kung ano ba depinisyon ng fiesta? well para sakin, ang fiesta ang araw na kung saan ang kanin nagiging ulam at ang ulam nagiging kanin. hahaha! salamat ulit sa pagbisita mga tsong! hanggang sa muli! :)

7 komento:

RJ

Hahahaha! Tama.

Na-miss ko tuloy ang mam-fiesta.

autumn

hahahahahahaha. tama. walang fiesta kung walang menudo. kaso di na ko mahilig maki-fiesta. sa bahay lang ng mom ko, parang fiesta na sa sarap ng ulam. hehehe. =]

nahj12

aba.. san ka nakifiesta? di mo ko sinama.. hahaha

dylan

wow! fiesta! tagal ko ng di nakik fiesta ah, wala kasi nag iinvite hehehe

PEDRO <- - - -

@rj> nakakamiss no kuya kasi wala ka sa pinas eh..:)

@autumn> wow! ate invite mo kami pag fiesta ah, masarap pala magluto mama mo :)

@hannah> hehehe..di mo kasi sinabi eh ^_^

jules

hahaha! grabe naman. ayoko ang menudo. namamantal ang katwan ko sa atay huhuhu! :(

salve

nkakatwa naman to! :) hehehe.

Blogger template 'Blackorwhite' by Ourblogtemplates.com 2008