Friday, October 10, 2008

call cent-hell?


minsan isang araw habang nag eemote ako dahil sa work, isang text message ang nareceived ko sabi daw, "stay if you're happy, leave if you're not" at napaisip ako bigla nung mabasa ko. hanep ah, saktong sakto sakin! :)

reply naman daw ako sa isip ko, "well, easier said than done".. hay.. ang daling sabihin diba, pero ang hirap gawin. may mga bagay-bagay kasi sa buhay na mahirap pagdesisyunan dahil may mga bagay tayong dapat ikonsidera. dahil kung may mga mahal ka na umaasa sayo eh di uso sayo ang ura-uradang desisyon. tulad nalang halimbawa kung di ka na masaya sa trabaho mo, eh di ka naman kaagad-agad makakapag resign dahil di pwede ang mga desisyong pansarili.

bakit ko nasabi to? kasi true to life story to mga tsong! :)

gaya ngayon, isa na namang kasamahan sa trabaho ang nag resign dahil sa isang kadahilanan-STRESS! sobrang stress.. stress sa nature of work, stress pa sa ibang bisor (buti nalang at swerte ako ng kaunti dahil ang bisor ko eh mabait at logical kung mag isip).

lahat nalang ng empleyado sa departamentong ito eh sumusuko na sa tindi ng stress, syempre maliban sa mga masasarap ang buhay na paupu-upo lang at pautus-utos lang. :) it's a fact na stressful ang trabaho ng isang call center agent, pero wala na yatang kasing stress ang aming departamento! sa ibang departamento kasi sobrang saya sila kahit na nakaka stress ang trabaho bakit kaya samin eh di masaya?

minsan nga naiisip ko na baka sarili ko nalang ang may problema at di nako masaya sa trabaho, pero napagtanto ko na di lang pala ako ang nakakaramdam nun, LAHAT KAMI di na masaya! ika nga namin "the feeling is mutual!". isipin man ng iba na exaggerated ito, pero hindi talaga, nagpa survey pa kaya ako noh..joke! just imagine kung ilang empleyado ang nagreresign kada linggo sa departamento namen at wag ka, laging immediate resignation ang nangyayari. parang papasok nalang sila isang gabi at bubulagta sila ng "SURPRISE! resign nako atlast!" hay ewan.. para na kaming mga dahon sa isang matandang puno na unti unti ng nalalagas, ika nga namin eh matira na matibay..

ayoko naman maging unfair sa departamento namen, may mga papalubag loob naman sa mga empleyado na nira-raffle, gaya ng flat screen tv na pensonic ang tatak (kala ko nga nung una mali spelling eh, kasi alam ko panasonic yun hehehe) at isang PSP! o diba sosyal?! pero syempre yung PSP SONY naman. kasi wala pang makikitang pirated na PSP sa bangketa eh tulad halimbawa PPS o SPP oh nakakita kana nun? pero kung meron lang, malamang yun na yun ang bibigay! peace! hehehe

hanep! ok na sana eh, kaso may disclaimer na kasali, dapat daw nasa company kapa within the next 45 days after the draw bago mo makuha ang price, ano yun, itlog na maghihintay ka ng 45 days para makuha ang sisiw! hahaha!

hay buhay nga naman.. ika nga, dalawa ang mukha ng buhay, isang masaya, isang di masaya. pero para sakin tatlo - isang masaya, isang hindi masaya at kuntento. ikaw tsong, san ka ba dito? ako, sana dun na sa kuntento eh, pero ang hirap pala..

13 komento:

Anonymous

hello pedro! :) slamat sa pagbisitasa blog ko. :) galing naman nang blog mo. nakakatuwa hehehe

Anonymous

hey, thanks for visiting. i like ur blog. so cute ***kisses!

RJ

gusto ko sana sa kuntento ako. Yan nga ang ipinagdadasal ko, sana masagot na ang aking panalangin.

chukoy

natawa naman ako sa blog mo nakakawalang problema hehehe. keep it up!

Yesha

nakakastress din sa trabaho namin. pero somehow, masaya pa rin naman. kse lahat naman kami nagdadamayan at ok naman bisor ko pati mga tao ko. nice blog po. =]

Anonymous

hmmm... call center agent ka din pala.. hehehe.. hayzzz.. i understand kung ano pinagdadaanan mo.. together with jules and chukoy.. kasama ko sila sa stressful work na yan.. but i made a choice ... to transfer to another call center.. hahahha.. mahirap kasi mapantayan salary wise ang call center. pero kahit pano.. sa new environment.. bawas ang stress ko.. heheh.. peace out.. salamat sa pagdaan :)

PEDRO <- - -

maraming salamat sa pagbisita sa aking munting pahina..sana po ay di ako magsawa sa pagbisita! i appeciate your time being here! :)

PEDRO <- - -

@autumn > buti kapa ate maganda environment dyan. kasi kahit na nakaka stress ang work pero kung ang mga tao sa paligid mo eh ok wala ng magiging problema..

@hannah > talaga? call center karin? small world no?! ay big na pala ngayon ang call center hehehe.. what's impt eh nageenjoy kana ngayon sa bago mong work! all the best!

salamat ulit sa pagdaan :)

nahj12

yup.. call center rin ang nilipatan ko.. pero... less stressed kesa sa dating work.. hehehe.. slamat din sa pagdaan.. at naadd na kita sa blog roll ko.. :)

Anonymous

Bakit parang punkistang hip hop drawing? lol

PEDRO <- - -

lols.. yan ang bagong get up sa call center hehehe :)

Anonymous

Кстати, не зря блогоньюс считается местом для сбора всего самого интересного. [URL=http://blogonews.net]Интересный сайт[/URL] - безусловно верное название сайта.

Anonymous

how magsulat ka pa.

Blogger template 'Blackorwhite' by Ourblogtemplates.com 2008