ano gagawin mo tsong kung pagka inom mo ng gatas o pagkakain mo ng paborito mong tsokolate eh nalaman mong made-in-china pala yun? at eto pa, ka re-report lang sa balita na yung brand na natira mo eh me melamine pala?!
('nak ng tokwa!) eto mga choices,
A) dedma ka lang at magkukunwari na lang na di affected para di obyus na praning B) mag i-hysterical at agad na mag papa check up sa doctor kung nadale kana ng melamine
C) gagawa ka na ng last will and testament mo para sa iyong mga mahal sa buhay? o
D) none of the above
(pakilagay nalang sa comment yung sagot mo ah)! hehehe.. kung ako? hmmm..hirap nyan ah..saka nalang ako sasagot pag me nag comment na!
(daya noh!)feeling mo ba tsong eh nabiktima ka na ng melamine na yan? at pag umiinom ka ng gatas eh di na tanggap ng sikmura mo? at kung bibigyan ka ng tsokolate super check up ka sa brand and ingredients kahit di ka naman doctor? well di ka nag iisa tsong! biktima din ako, biktima ng takot! ü ise-share ko lang experience ko dyan ah
(oh my! may sharing na ng experience ngayon!) o yung madudumi ang isip out muna kayo, wholesome ito ok. :)
eto ang nangyari ah, nung bago pa lang yang balitang melamine na yan, akala ko gatas lang ang merong ganung kemikal pati pala tsokolate,
at ang masakit nito eh napasama pa sa listahan ang paborito kong cadburry
:( (bawi na naman ang tsoknat nito!) eh syempre di naman tayo updated sa latest happenings sa pinas alam nyo na laging busy at laging wala sa bahay pag gabi dahil sa mga tapings, shootings, rehearsals and all
(kapal! twink! twink!). sa mga nag iisip po kung ano ang aking propesyon, isa po akong callboy! isa akong lalaking tumatanggap ng tawag, sa madaling salita isang call center agent kaya dilat pag gabi
(kala nyo yun na noh?) ü okey balik na tayo sa usaping gatas. nakaugalian ko na kasi na uminom ng gatas bago matulog
(alam nyo na, laking bearbrand kasi!) at saka para naman ma relaks relaks ako ng kaunti.
sa kagustuhan kong mag relaks eh lalo pa akong na stress! mantakin nyo after kong uminom ng gatas at masarap na nagpapahinga sa kama habang nag hihintay dalawin ng antok eh kaba ang dumalaw
(with matching sound effect- dhug!) pano kasi, after kong makainom ng gatas eh binabalita sa tv yang melamine scare na yan! eto nalang tuloy ang nasabi ko bigla
"patay!" sino ba naman ang hindi kakabahan dun, diba?! ang ginawa ko, tingin agad ako sa lalagyan ng gatas sa sobrang praning sabay check baka gawang china, buti nalang at gawa lang sa pinas..hayyy.. di ko nga ma imagine kung ano ang hitsura ko pagkakita dun sa news. kung makikita ko lang siguro yung reaksyon ko eh parang pang best actor na pweding ma nominate sa famas at eto pa, baka talo si piolo pag nagkataon!
(toinks!) hehehe..
kawawa na ang mga chikiting nito, nakakalungkot naman kasi di na nila makakanta yung theme song ng gatas kasi di na applicable sa kanila.. gusto nyo malaman yung lyrics nung kanta? o cge sabayan nyo ko ah, ready sing!
"gatas, gatas, gatas, gatas pampalakas, pampalakas uminom ng gatas, uminom ng gatas lalakas, lalakas! hahaha!"
alam nyo sa nangyayaring ito baka mas lalong darami ang malnourished na bata sa pinas. kasi naman sa sobrang paranoid natin sa nangyayari eh wala ng gustong uminom ng gatas.. sabi ko nga dun sa kasama ko sa trabaho,
"mga tatay nalang at bading ang walang takot na nakakainom ng gatas!" :) lahat naman halos tayo eh gustong gusto ang gatas mapa baby man o adult. syempre naman
breastmilk is still best for babies, and of course for daddys! :) joke lang po! hehehe
teka lang nagiging iba na ang usapan, ano ba talaga ang melamine na ginawa ng mga chengwa? hmmm.. para sa akin, ang melamine ay yung artista na magaling mag ingles! ay mali si melanie pala yun! ang melamine ay ang dahilan para maging malnourished ang mga bata dahil takot na silang uminom ng gatas! bow! :)
ikaw may kwentong melamine karin ba? share mo dito :) 