kwentong parke
nakasanayan na naming magkaka kosa sa trabaho ang maglakad sa park pag sunday morning pagkalabas sa work. syempre para mag relaks ng kaunti at iwasiwas panandalian ang stress sa katawan. .kanina sa paglalakad namin eh napansin kong iba na ang ihip ng hangin.. medyo may kalamigan na.. nasabi ko tuloy sa isip ko "wow! magpapasko na!" pero bago ko pa man din sabihin yon sa mga kakosa eh me sumambit na ng "malamig ngayon kasi me bagyo na naman noh?!". grrr..inunahan ba naman ako ng linya at eto nalang ang nasabi ko tuloy.. "aba! bwisit to umeksena agad inunahan ako hehehe.." uy sa isip ko lang sinabi yun ah di naman ako ganun ka harsh si pedro.. pero napaisip din ako, kunsabagay may point siya kahit umeksena dahil sa panahon natin ngayon paiba-iba na ang klima at di mo na mawari kung ano ba talaga..
sa pagpapatuloy ng kwento..at sa paglalakad namen eh ang dami na namang nakita ng mapamuna ngunit mapungay na mata ni Pedro (twink! twink! kapal!) hehehe.. syempre kanya kanyang ariba sa pag jo-jogging at exercise ang mga pipol op da repablik op da pilipins habang kami naman eh naglalakad lang na para bang nagpoprosisyon. kung itatanong nyo kung bakit di kami makapag jogging, medyo dyahe tsong kasi medyo semi formal ang suot namin eh.

may isang tao lang ang nakapukaw sa aming atensyon, isang lalaki (black american) na napaka angas kung mag jogging. feel na feel nya ata masyado ang pagjojogging at di na namalayan na medyo maluwag na ang garter ng shorts nya, white pa mandin ang kulay (shhh..wala syang undies hehehe). sabi ko nga sa mga kasama ko "kulang na lang ngumiti na si jollibee" tanong tuloy nila anong kinalaman ni jollibee dun sa lalaki. syempre explained naman ako "kasi naman sa sobrang luwang ng garter yung pisngi ng pwitan nya eh lumilitaw na na para bang pisngi ni jollibee, tingnan nyo, ilang hakbang nalang at makikita nyo na pati smile ni jollibee hahaha.."
napansin ko rin sa park kanina eh ang daming foreynjers (foreigners), me kano, black kano, melamine chinese at jampong koreans na para bang United Colors of Benetton ang nangyayari. kung itatanong nyo kung sino ang mas marami, pangalawa sa dami ng noypi kanina eh ang mga koreans. kala ko nga nasa korea nako kanina kasi sa sobrang dami nila amoy kimchi na! joke! hinanap ko tuloy si jumong baka me dalang kabayo o kaya si jennie at jhonny baka sakaling naka bisikleta din dun hehehe..


18 komento:
oo nga parekoy. . yun ang maganda sa mga pinoy. . kahit kumakalam na mga sikmura ngisi pa ng ngisi. .
naalala co tuloy ung commercial ng piatos.
taena mga korean. . sumasabay sa mga pinoy. . hehe. .
sangkot pala si jollibee sa krimen eh! hehehe!
kahapon ko pa nita-try i-view 'tong blog mo na 'to. ayaw magpa-view. *ngalngal* lol.
hobby na talaga ng pinoy yun magpuna at hanapan ng katawa-tawa yun mga nakikita nila. *eherm*guilty*eherm* nyahahaha.
ganun naman talaga dapat. ngiti pa rin kahit me problema. salamt din sa pagdaan sa blog ko. :)
sana lagi tayong positibo sa buhay noh.. salamat sa lahat ng komento frens.. :D
Para kang commercial ng Piattos dito ah, hehe... lolz
keep that imagination open, ganyan ang pinoy masayahin..;)
cheers!
yan ang ok sting pinoy likas sa tin ang masayahin,
Lam mo ba Pedro minsan akala namin nung brother ko my INVASION NG MGA KOREANS sa pinas, last summer lahat ng mga pinuntahan naming bakasyon mas doble pa ang bilang ng mga Koreano kesa sa Pinoy para tuloy wala kana sa Pinas.
Bka memya mainvade na tau,katakot,hehe
haha..oo nga..nakakaaliw tlga.:)
buti sana kung white american woman ung may jollibee.haha
:) salamat sa pagbisita
i miss those days.. mga okrayan galore sa park hahahah
pinoy lang ang kayang pagtawanan ang lahat ng bagay, pati ang sarili. ewan ko na lang kung mabuti o masamang bagay ba yun. haha.
oo nga, kahit sa pag-oobserve sa paligid nakakahanap pa rin tayo ng mapagtitripang pagtawanan hahaha
@dylandimaubusan> salamat sa pagdaan mo pareng dylan, sobrang imahinasyon nga pag minsan naiisip ko ako na si piolo..hahaha!
@jm>uu nga sir JM, kung sa manila merong china town, dito sa amin meron pa ngang korean town.. we were invade! hehehe
@tanchi> kaya nga eh tanchi, hirap nun di magandang tanawin kasi ang itim, nagdidilim tuloy ang paningin ko..
@hannah> keep on visitng hannah! :D
@mordsith> korek ka dyan! naging
@onatdonuts>galing ng pinoy talaga no kuya onat, mahilig mag imagine kasi hehehe
ang saya nang ekperyenz nyo ah, para gusto na rin tuloy maglakad sa park....
we have lots of korean here also, naiinis ako sa kanila. ang aangas at ang eepal kala mo sa kanila ang pilipinas.
Kakatuwa naman kwento mo...nakita mo ba si Jollibee? :)
kay byter> uu masarap maglakad sa park lalu na kung maraming napagtitripan hehehe bad noh!:D
kay popcorn> feeling nga sila no, mga ipis na to nag invade ng pinas! grrr
kay kg> nakita ko si jollibee pero di ako nasiyahan. napagtanto ko na pangit pala si jollibee kung itim sya! hehehe
hello... hapi blogging... have a nice day! just visiting here....
new viagra viagra professional how long does viagra last generic soft tab viagra viagra uterine thickness viagra uterine thickness sublingual viagra viagra australia female use of viagra legal viagra cheapest place to buy viagra online viagra doseage effect of viagra on women viagra alternative
Post a Comment