kwentong parke

kanina sa paglalakad namin eh napansin kong iba na ang ihip ng hangin.. medyo may kalamigan na.. nasabi ko tuloy sa isip ko "wow! magpapasko na!" pero bago ko pa man din sabihin yon sa mga kakosa eh me sumambit na ng "malamig ngayon kasi me bagyo na naman noh?!". grrr..inunahan ba naman ako ng linya at eto nalang ang nasabi ko tuloy.. "aba! bwisit to umeksena agad inunahan ako hehehe.." uy sa isip ko lang sinabi yun ah di naman ako ganun ka harsh si pedro.. pero napaisip din ako, kunsabagay may point siya kahit umeksena dahil sa panahon natin ngayon paiba-iba na ang klima at di mo na mawari kung ano ba talaga..
sa pagpapatuloy ng kwento..at sa paglalakad namen eh ang dami na namang nakita ng mapamuna ngunit mapungay na mata ni Pedro (twink! twink! kapal!) hehehe.. syempre kanya kanyang ariba sa pag jo-jogging at exercise ang mga pipol op da repablik op da pilipins habang kami naman eh naglalakad lang na para bang nagpoprosisyon. kung itatanong nyo kung bakit di kami makapag jogging, medyo dyahe tsong kasi medyo semi formal ang suot namin eh.

may isang tao lang ang nakapukaw sa aming atensyon, isang lalaki (black american) na napaka angas kung mag jogging. feel na feel nya ata masyado ang pagjojogging at di na namalayan na medyo maluwag na ang garter ng shorts nya, white pa mandin ang kulay (shhh..wala syang undies hehehe). sabi ko nga sa mga kasama ko "kulang na lang ngumiti na si jollibee" tanong tuloy nila anong kinalaman ni jollibee dun sa lalaki. syempre explained naman ako "kasi naman sa sobrang luwang ng garter yung pisngi ng pwitan nya eh lumilitaw na na para bang pisngi ni jollibee, tingnan nyo, ilang hakbang nalang at makikita nyo na pati smile ni jollibee hahaha.."

napansin ko rin sa park kanina eh ang daming foreynjers (foreigners), me kano, black kano, melamine chinese at jampong koreans na para bang United Colors of Benetton ang nangyayari. kung itatanong nyo kung sino ang mas marami, pangalawa sa dami ng noypi kanina eh ang mga koreans. kala ko nga nasa korea nako kanina kasi sa sobrang dami nila amoy kimchi na! joke! hinanap ko tuloy si jumong baka me dalang kabayo o kaya si jennie at jhonny baka sakaling naka bisikleta din dun hehehe..