Saturday, November 8, 2008

kwentong parke

nakasanayan na naming magkaka kosa sa trabaho ang maglakad sa park pag sunday morning pagkalabas sa work. syempre para mag relaks ng kaunti at iwasiwas panandalian ang stress sa katawan. .

kanina sa paglalakad namin eh napansin kong iba na ang ihip ng hangin.. medyo may kalamigan na.. nasabi ko tuloy sa isip ko "wow! magpapasko na!" pero bago ko pa man din sabihin yon sa mga kakosa eh me sumambit na ng "malamig ngayon kasi me bagyo na naman noh?!". grrr..inunahan ba naman ako ng linya at eto nalang ang nasabi ko tuloy.. "aba! bwisit to umeksena agad inunahan ako hehehe.." uy sa isip ko lang sinabi yun ah di naman ako ganun ka harsh si pedro.. pero napaisip din ako, kunsabagay may point siya kahit umeksena dahil sa panahon natin ngayon paiba-iba na ang klima at di mo na mawari kung ano ba talaga..

sa pagpapatuloy ng kwento..at sa paglalakad namen eh ang dami na namang nakita ng mapamuna ngunit mapungay na mata ni Pedro (twink! twink! kapal!) hehehe.. syempre kanya kanyang ariba sa pag jo-jogging at exercise ang mga pipol op da repablik op da pilipins habang kami naman eh naglalakad lang na para bang nagpoprosisyon. kung itatanong nyo kung bakit di kami makapag jogging, medyo dyahe tsong kasi medyo semi formal ang suot namin eh.


may isang tao lang ang nakapukaw sa aming atensyon, isang lalaki (black american) na napaka angas kung mag jogging. feel na feel nya ata masyado ang pagjojogging at di na namalayan na medyo maluwag na ang garter ng shorts nya, white pa mandin ang kulay (shhh..wala syang undies hehehe). sabi ko nga sa mga kasama ko "kulang na lang ngumiti na si jollibee" tanong tuloy nila anong kinalaman ni jollibee dun sa lalaki. syempre explained naman ako "kasi naman sa sobrang luwang ng garter yung pisngi ng pwitan nya eh lumilitaw na na para bang pisngi ni jollibee, tingnan nyo, ilang hakbang nalang at makikita nyo na pati smile ni jollibee hahaha.."

napansin ko rin sa park kanina eh ang daming foreynjers (foreigners), me kano, black kano, melamine chinese at jampong koreans na para bang United Colors of Benetton ang nangyayari. kung itatanong nyo kung sino ang mas marami, pangalawa sa dami ng noypi kanina eh ang mga koreans. kala ko nga nasa korea nako kanina kasi sa sobrang dami nila amoy kimchi na! joke! hinanap ko tuloy si jumong baka me dalang kabayo o kaya si jennie at jhonny baka sakaling naka bisikleta din dun hehehe..

pag minsan dala ng sobrang inip eh napagti-tripan natin yung ibang tao..ehehe.. nature na natin sigurong mga pinoy yung maging masayahin mga tsong sa kabila ng mga problema natin gumagawa tayo ng mga simpling bagay para maaliw ang sarili..

*piktyurs galing sa net

Wednesday, November 5, 2008

di lang byuti contest



aba biruin mo nga naman ah, nagka award na naman si pedro! hehehe! salamat nga pala kay dylan sa pabibigay ng byutiful award na ito. akala ko nung una byuti contest lang merong byutiful award, napagtanto ko na mali pala ako, meron din pala para sa mga blog hehehe.. salamat pala sa mga fans na patuloy na nagtitiwala sa akin, guys para sa inyo ito! (kapal!) toinks!

sa lahat ng walang sawang bumibisita at nagtitis na basahin ang blog ko, ina-award ko rin ito para sa inyong lahat. pwedi nyong kunin ang link dito. patunayan natin na di lang byuti contest ang merong award, me karapatan din ang mga BLOG! whew! "hirap ng speech ah!" stay cool guys! :)

Friday, October 31, 2008

biruan sa halloween



mga repapips, kakosa, tsong at tsang, medyo na busy ngayon eh di ako maka kwento at makasulat ng bagong post kaya share ko muna sa inyo 'tong mga halloween jokes na pinorward ng mga makakati, makakati ang daliri sa text syempre! hehehe.. enjoy!




the story of the kind ghost:
multo: awooooooo!
bata: waaaaaaaa... wag po!
multo: okay.. sorry..
"ngek! si casper pala! the friendly ghost!"
>>>
bampira 1: hoy anong nangyari dyan sa ngipin mo?
bampira 2: nabiktima ako nung lalaki sa park. akala ko sya ang mabibiktima ko, pero nung kagatin ko sya sa leeg nabali lahat ng ngipin ko..
bampira 1: saan mo ba nakita yung lalaking yun?
bampira 2: sa Rizal park.
"ay! tangang bampira dinali pati si rizal!"
>>>
"hindi lahat ng malamig ay refreshing"
-bangkay
"uu nga naman.. agree?"
>>>
junjun: pa, may multo daw sa kusina natin?
papa: anak, sino naman nagsabi sa iyo niyan?
junjun: si mama po!
papa: ay nako junjun, wag ka nga magpapaniwala dun! wala namang multo eh! ang mabuti pa samahan mo na lang ako sa kusina at iinom lang ako ng tubig!!

"toinks!"
>>>
anak: tay, totoo po bang may multo?
tatay: anak walang multo! bakit mo naitanong?
anak: sabi kasi ni yaya merong multo!
tatay: anak…tangina naman, wala tayong yaya!
awooooooo...
>>>
isang gabi, sumakay ako sa jeep
lahat ng pasahero ay nakatitig sa akin
puro walang imik..

sinubukan kong magbayad
pero di nila inabot ang pera ko
bigla akong kinilabutan at natakot..

hanggang may isang matanda
na bumulong sa akin..

"inarkila namin 'to, tanga!"
"toinks! adik!"

Wednesday, October 22, 2008

sigaw lang!

"BREAK! ano ba yan 4 na oras nakong di nakakapag break ah!" hay naku, karaniwan nang eksena ito sa aming trabaho. sa sobrang kulang ng empleyado at dami ng mga tawag na natatanggap kada shift eh di na kami halos makapag break sa tamang oras. ewan ko ba kung anong problema ng mga ewan dun at di nila maayus-ayos ang mga simpling gusot. sabi ko nga sa mga kasama ko sa trabaho, "robot nga nawawalan ng baterya, tao pa kaya na di mo pakakainin at papagdaldalin mo ng tuloy-tuloy na 3 hanggang 4 na oras? hello?!"

"sup call! TL sup call?.." aruy! isa pa yan sa isinisigaw na akala mo may mag aamok bigla dahil walang gustong kumuha ng sup call nila. syempre gustong gusto naman naming mga agents dahil sa kapipiranggut na minutong ito eh malaya kaming makakahinga man lang pagkatapos mura-murahin at sigaw-sigawan..

"anak ng..!" ayan na ang tunay na kulay ng call center agent na maiinit ang ulo! hehehe.. isa lang yan sa sandamakmak na murang kinikimkim sa dibdib na di maisigaw-sigaw habang minumura-mura din at sinisigaw-sigawan ng isang dayuhan. sa madaling salita shock absorber ba.. pinagkaiba lang eh to the ultimate level na absorbtion ang mangyayari sayo na dadaigin mo pa ang bulak sa pag absorb ng mga sigaw at frustrations ng ibang tao..


ala eh, ganyan talaga ang buhay, pag hirap na kanyan-kanyang sigaw nalang. hay! hirap ng buhay ano?! ala lang, emote lang ako, baka sakaling umepek! hehehe.. eto pa nga pala ang ibang uri ng sigaw..

"darna!" ah yan ang sigaw ni angel locsin pag magpapalit na ng katauhan.

"oh my!" sigaw ng sosyal na nagulat na kabaligtaran ng "hay naku!" na sigaw ng mahirap.

o ito tsong? "O.." sigaw ng taong pinigil-pigil ang sarap; "Ooh" ah ito ang sigaw ng taong di na mapigil-pigil ang sarap; "Oooohhh" at yan naman ang sigaw ng taong sarap na sarap na di papipigil. at ang pang huli "nyahahaha!" tawang pasigaw ng mga taong green minded! hehehe

Tuesday, October 21, 2008

award ni Pedro!

whew! actually hindi ko ine-expect ang award na ito, i swear! oh my, di ko alam ano ang sasabihin ko, ganito pala ang feeling pag nakakatanggap ng award. hmmm..ehemm.. (feeling nasa awards night!). una, pinasasalamatan ko ang aking mga fans na walang sawang sumusuporta sa akin (kinarir!) kay ailee sa pagtitiwala at pagbibigay ng award na ito, sa aking mga magulang at kapatid na nagti-tyaga parin sa aking kakulitan, sa aking mga kaibigan at katropa na kasama sa hirap na walang ginhawa hehehe at lalung lalu na sa mga taong naninira sa akin at sa mga taong galit sa katulad kong gwapo (kapal!), kung wala kayo eh di hindi ako mapapansin nyahahaha!

eto ang pinaka mahirap na parte, ang mag translate ng ingles rules sa tagalog..tsk! tsk! tsk! heto nga pala ang rule ng award na ito 1) ilagay ang logo award sa iyong blog; 2) ilagay ang link ng taong nag award sa iyo; 3) i-link sa sampung bloggers ang award at magbigay ng rason bakit sa palagay mo eh kewl ang blog nila.

ayoko ilimit ang blog award na ito sa sampung bloggers lang, (pang pulitiko naman ang dating ngayun ah!) kaya ang blog award na ito ay binibigay ko sa lahat ng mga blogistang pinoy na na walang sawang sumusulat at nagba-blog.

kung pinoy blogger ka, kewl ka! blogistang pinoy, mag-iwan ka lang ng bakas sa komento. KEWL!

Wednesday, October 15, 2008

melamine..oh i'm scared!


ano gagawin mo tsong kung pagka inom mo ng gatas o pagkakain mo ng paborito mong tsokolate eh nalaman mong made-in-china pala yun? at eto pa, ka re-report lang sa balita na yung brand na natira mo eh me melamine pala?! ('nak ng tokwa!) eto mga choices, A) dedma ka lang at magkukunwari na lang na di affected para di obyus na praning B) mag i-hysterical at agad na mag papa check up sa doctor kung nadale kana ng melamine C) gagawa ka na ng last will and testament mo para sa iyong mga mahal sa buhay? o D) none of the above (pakilagay nalang sa comment yung sagot mo ah)! hehehe.. kung ako? hmmm..hirap nyan ah..saka nalang ako sasagot pag me nag comment na! (daya noh!)

feeling mo ba tsong eh nabiktima ka na ng melamine na yan? at pag umiinom ka ng gatas eh di na tanggap ng sikmura mo? at kung bibigyan ka ng tsokolate super check up ka sa brand and ingredients kahit di ka naman doctor? well di ka nag iisa tsong! biktima din ako, biktima ng takot! ü ise-share ko lang experience ko dyan ah (oh my! may sharing na ng experience ngayon!) o yung madudumi ang isip out muna kayo, wholesome ito ok. :)

eto ang nangyari ah, nung bago pa lang yang balitang melamine na yan, akala ko gatas lang ang merong ganung kemikal pati pala tsokolate, at ang masakit nito eh napasama pa sa listahan ang paborito kong cadburry :( (bawi na naman ang tsoknat nito!) eh syempre di naman tayo updated sa latest happenings sa pinas alam nyo na laging busy at laging wala sa bahay pag gabi dahil sa mga tapings, shootings, rehearsals and all (kapal! twink! twink!). sa mga nag iisip po kung ano ang aking propesyon, isa po akong callboy! isa akong lalaking tumatanggap ng tawag, sa madaling salita isang call center agent kaya dilat pag gabi (kala nyo yun na noh?) ü okey balik na tayo sa usaping gatas. nakaugalian ko na kasi na uminom ng gatas bago matulog (alam nyo na, laking bearbrand kasi!) at saka para naman ma relaks relaks ako ng kaunti.

sa kagustuhan kong mag relaks eh lalo pa akong na stress! mantakin nyo after kong uminom ng gatas at masarap na nagpapahinga sa kama habang nag hihintay dalawin ng antok eh kaba ang dumalaw (with matching sound effect- dhug!) pano kasi, after kong makainom ng gatas eh binabalita sa tv yang melamine scare na yan! eto nalang tuloy ang nasabi ko bigla "patay!" sino ba naman ang hindi kakabahan dun, diba?! ang ginawa ko, tingin agad ako sa lalagyan ng gatas sa sobrang praning sabay check baka gawang china, buti nalang at gawa lang sa pinas..hayyy.. di ko nga ma imagine kung ano ang hitsura ko pagkakita dun sa news. kung makikita ko lang siguro yung reaksyon ko eh parang pang best actor na pweding ma nominate sa famas at eto pa, baka talo si piolo pag nagkataon! (toinks!) hehehe..

kawawa na ang mga chikiting nito, nakakalungkot naman kasi di na nila makakanta yung theme song ng gatas kasi di na applicable sa kanila.. gusto nyo malaman yung lyrics nung kanta? o cge sabayan nyo ko ah, ready sing!

"gatas, gatas, gatas, gatas pampalakas, pampalakas uminom ng gatas, uminom ng gatas lalakas, lalakas! hahaha!"

alam nyo sa nangyayaring ito baka mas lalong darami ang malnourished na bata sa pinas. kasi naman sa sobrang paranoid natin sa nangyayari eh wala ng gustong uminom ng gatas.. sabi ko nga dun sa kasama ko sa trabaho, "mga tatay nalang at bading ang walang takot na nakakainom ng gatas!" :) lahat naman halos tayo eh gustong gusto ang gatas mapa baby man o adult. syempre naman breastmilk is still best for babies, and of course for daddys! :) joke lang po! hehehe

teka lang nagiging iba na ang usapan, ano ba talaga ang melamine na ginawa ng mga chengwa? hmmm.. para sa akin, ang melamine ay yung artista na magaling mag ingles! ay mali si melanie pala yun! ang melamine ay ang dahilan para maging malnourished ang mga bata dahil takot na silang uminom ng gatas! bow! :)

ikaw may kwentong melamine karin ba? share mo dito :)

Sunday, October 12, 2008

da fiesta adventure of pedro

medyo nabusy kahapon mga tsong at di ako agad nakapag post ng entry ko dito. naki fiesta kasi dun kina insan (syempre kainan yun makakatanggi ba ko?!) at ginawa akong ninong dun sa panganay nya, ayun nadale na naman si ninoy (patay!) ehehe.. hirap tumanggi sa ganun ah, sabi daw kasi mamalasin ka sa buhay eh ayoko naman nun eh nagkanda malas-malas na nga buhay ko dadagdagan ko pa, ano na mangyayari sa akin diba? baka kahit bilhin ko pa lahat ng chinese lucky charms na makikita sa china town eh di na tatalab (kung me melamine siguro pwedi pa. toinks!). pa fung shui na kayo ako, palagay nyo mga tsong? :)


anyway, enough na muna sa ka-bitteran sa buhay. nag enjoy naman ako dun sa fiesta isa ng rason yung maraming pagkain ("takaw kasi!"). wag nyo nako tanungin kung ano ang mga ulam kasi di ko alam ang mga pangalan maliban syempre sa menudo na di pweding umabsent sa fiesta (nakapunta ka naba sa fiesta na walang menudo?), kumbaga sa kanta para syang all time favorite at most requested! at kung magtatanong kayo ng picture, uy, kakahiya kaya yun, nakilamon na nga ako makiki picture pa?! wag ganun! ehehe

nakaka enjoy talaga ang fiesta no, di nga obyus sakin kasi sumakit panga ko sa kakakain pati narin mga paa sa sobrang kakalakad. alam nyo ba yung feeling na ang sakit na ng paa mo eh lakad ka parin ng lakad kasi ang daming tao na nag chichikahan at naglalakad din sa daan na parang walang kapaguran. di ko kasi nadala yung kapa ko eh, edi sana nakalipad nalang ako (me ganun talaga?!). tingan nyo man yung picture ko, diba may kapa ako?! (adik!) big lols! seriously, sa sobrang siksikan sa daan, siguro kung may pakpak lang yung iba kahit sa ere merong tao (mulawin ba 'to?!). langya di ko ma imagine yun ah, kasi sigurado lang madami ding mga batang maninirador nun!

syempre pagka may fiesta, di pweding mawala yung mga pang masang contest! nanood nga kami sa plaza kasama ang tropa ng dance contest at nag enjoy kami ah. nakakatawa kasi, everytime na isisigaw ng bading na host na "HAPPY FIESTA" palakpakan ang mga tao! para kaming de bateryang robot na pag sinabi ng me-ari este may ari, (ay pangit parin pakinggan pag may ari!) na happy fiesta ay papalakpak ka hehehe. syempre kasama na kami dun sa mga nakikipalakpak! di naman namin teritoryo yun baka pag di ka pumalakpak itutumba ka! hehehe..

aabsent ba naman ang mga perya sa fiesta?! di noh! para din yang menudo na always present, at laging andyan, in good times or in bad times..hehehe. syempre nagpunta din kami sa perya tsong at hanep ang dami ding tao! (parang di sanay sa tao no! twink! twink!) di ko na ikukwento masyado ang adventure ko sa perya ah, kasi hanggang labas lang kami! hahaha! di na kami nakapasok kasi nga daming tao (uy! palusot wala lang pera!) di nga, madami kasing people parang may convention nga eh, dinaig pa ang ang el shaddai sa dami (joke! baka magalit si brother, me balak pa namang tumakbo sa 2010 election). nakiusyoso nalang kami dun sa mga sugalang perya na beto-beto at nakitaya-taya narin (ayun na! lumabas na ang tunay na kulay no! sugarol!)

hay..kakapagod na adventure pero masaya. kung tatanungin ako kung ano ba depinisyon ng fiesta? well para sakin, ang fiesta ang araw na kung saan ang kanin nagiging ulam at ang ulam nagiging kanin. hahaha! salamat ulit sa pagbisita mga tsong! hanggang sa muli! :)

Friday, October 10, 2008

call cent-hell?


minsan isang araw habang nag eemote ako dahil sa work, isang text message ang nareceived ko sabi daw, "stay if you're happy, leave if you're not" at napaisip ako bigla nung mabasa ko. hanep ah, saktong sakto sakin! :)

reply naman daw ako sa isip ko, "well, easier said than done".. hay.. ang daling sabihin diba, pero ang hirap gawin. may mga bagay-bagay kasi sa buhay na mahirap pagdesisyunan dahil may mga bagay tayong dapat ikonsidera. dahil kung may mga mahal ka na umaasa sayo eh di uso sayo ang ura-uradang desisyon. tulad nalang halimbawa kung di ka na masaya sa trabaho mo, eh di ka naman kaagad-agad makakapag resign dahil di pwede ang mga desisyong pansarili.

bakit ko nasabi to? kasi true to life story to mga tsong! :)

gaya ngayon, isa na namang kasamahan sa trabaho ang nag resign dahil sa isang kadahilanan-STRESS! sobrang stress.. stress sa nature of work, stress pa sa ibang bisor (buti nalang at swerte ako ng kaunti dahil ang bisor ko eh mabait at logical kung mag isip).

lahat nalang ng empleyado sa departamentong ito eh sumusuko na sa tindi ng stress, syempre maliban sa mga masasarap ang buhay na paupu-upo lang at pautus-utos lang. :) it's a fact na stressful ang trabaho ng isang call center agent, pero wala na yatang kasing stress ang aming departamento! sa ibang departamento kasi sobrang saya sila kahit na nakaka stress ang trabaho bakit kaya samin eh di masaya?

minsan nga naiisip ko na baka sarili ko nalang ang may problema at di nako masaya sa trabaho, pero napagtanto ko na di lang pala ako ang nakakaramdam nun, LAHAT KAMI di na masaya! ika nga namin "the feeling is mutual!". isipin man ng iba na exaggerated ito, pero hindi talaga, nagpa survey pa kaya ako noh..joke! just imagine kung ilang empleyado ang nagreresign kada linggo sa departamento namen at wag ka, laging immediate resignation ang nangyayari. parang papasok nalang sila isang gabi at bubulagta sila ng "SURPRISE! resign nako atlast!" hay ewan.. para na kaming mga dahon sa isang matandang puno na unti unti ng nalalagas, ika nga namin eh matira na matibay..

ayoko naman maging unfair sa departamento namen, may mga papalubag loob naman sa mga empleyado na nira-raffle, gaya ng flat screen tv na pensonic ang tatak (kala ko nga nung una mali spelling eh, kasi alam ko panasonic yun hehehe) at isang PSP! o diba sosyal?! pero syempre yung PSP SONY naman. kasi wala pang makikitang pirated na PSP sa bangketa eh tulad halimbawa PPS o SPP oh nakakita kana nun? pero kung meron lang, malamang yun na yun ang bibigay! peace! hehehe

hanep! ok na sana eh, kaso may disclaimer na kasali, dapat daw nasa company kapa within the next 45 days after the draw bago mo makuha ang price, ano yun, itlog na maghihintay ka ng 45 days para makuha ang sisiw! hahaha!

hay buhay nga naman.. ika nga, dalawa ang mukha ng buhay, isang masaya, isang di masaya. pero para sakin tatlo - isang masaya, isang hindi masaya at kuntento. ikaw tsong, san ka ba dito? ako, sana dun na sa kuntento eh, pero ang hirap pala..

Wednesday, October 8, 2008

si ako, si pedro..


Dati rati laging tatlo ang bida sa mga kwentong pinoy ng mga bata na maririnig mo sa kanilang mga kwentong kalye. Sino bang di makakaalala sa mga sikat na mga pangalang - Juan, Pedro at Maria na para bang mga artista sa pelikula na pilit nating ginagawan ng mga kakaibang kwento. Kwento na para lang magpa impress at pangitiin si crush at magpapansin syempre sa bolakbol na tropa.

O wag mag deny dyan dahil kung di mo ginamit ang mga pangalang yan noong naglalaro kapa sa daan ng walang salawal at hahabul-habulin ng nanay mo ng pamalo hanggang nag hayskul ka eh ibang usapan na yun, baka wala kang friends?!..hehehe..

Nahalata ko lang na ngayong nasa generation "Y" na tayo eh di na sila masyadong sikat noh? Siguro dahil mas busy na ngayon ang mga kabataang pag-asa ng bayan sa cellphone, psp, facebook at friendster (ah meron nako nito!) :) Sayang walang ganyang hi-tets na laruan at networking noong kabataan ko, natutuhan ko lang tuloy eh habulan (kaya ngayon mabilis tumakbo pag inabutan ng trobol) at taguan (kaya ngayon magaling magtago sa girlfriend at pinagkakautangang 5-6) hehehe

Hmmm..si Juan nalang nga ang medyo sikat ngayon ah na lagi nating naririnig sa radyo at telebisyon at nababasa sa mga tabloid at broadsheet. Pero bakit lagi nalang pala si Juan ang nasa eksena? Si Juan na walang malay! Si Juan na walang alam! (Pis tayo Juan ah, para sa karir 'to). Paano naman ako, si Pedro? :)

Hello po! muntik ko ng makalimutan, introduce ko muna sarili ko, blog ko pala 'to ehehe..

Ako po pala si Pedro, Peter sa sosyal na buhay. isang blogistang pinoy na eeksena at makikipag palitan kuru-kuro sa mundo ng blog! hayaan nyo po sana akong umeksena ng kaunti sa inyong mga blog at malaya din po kayong magbigay ng mga kuru-kuro at ideya dito sa aking munting pahina..

salamat sa pagbisita!

Blogger template 'Blackorwhite' by Ourblogtemplates.com 2008